Jeep halos paliparin ng driver na lasing sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Makailang ulit na “para” ang sigaw ng mga pasahero ng jeep biyaheng Calabanga-Naga dahil sa takot matapos halos lumipad na ang sasakyan.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni  PCPT Rechilda Matias, hepe ng Bombon PNP isinumbong sa himpilan ng PNP ng nakamotorsiklo na muntik na siyang banggain ng jeep , sa pagresponde ng PNP na flagged down ang jeep sa San Roque,  Bombon, katunayan muntik pa itong bumangga sa barangay outpost. Tinicketan ng PNP ang driver sa paglabag sa municipal ordinance sa Reckless Driving at ikinustudiya ng 12-oras.

Ayon sa PNP walo ang sakay mula Calabanga, at may bumaba ng tatlo sa Quipayo.  Aminadong nakainum at humingi ng tawad ang driver na si Ramil Nazaria sa mga naisakay pero iniakyat na ng PNP  ang complaint sa LTO sa Land Transportation Office (LTO) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa nararapat sa lisensya at sa sasakyan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *