Huli ng isda sa Pasacao, Camarines Sur, bahagyang bumaba

CAMARINES SUR- Napansin ng Municipal Agriculture Office ng Pasacao, Camarines Sur ang bahagyang pagbaba ng mga nahuhuling isda sa bayan. Maliban sa wala pa sa peak season ang pagdami sa produksiyon ng mga ito, sobrang limitado ang oras na pumalaot ang mga mangingisda dahil sa init ng panahon.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Hilario Romero, Municipal Agriculturist ng nasabing bayan na halos tatlong banyera na lamang ang nahuhuli ngayon ng mga mangingisda, malayo sa huli nila kapag hindi masyadong mainit ang panahon. Ang pagiging bilugan ng buwan o mas kilala sa tawag na “bulanon”, isa rin sa mga itinuturong dahilan sa matumal na huli.

Nabanggit pa ni Romero na ang pagbibigay ng serbis sa mga turistang dumarayo sa lugar ngayong summer season ang isa sa mga diskarte ng mga mangingisda upang nang sa gayon ay makadagdag sa kanilang kita araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *