May ari ng bodega ng asukal na ininspeksyon sa QC, nanindigang hindi sila nagho-hoard

Dumipensa ang may-ari ng isang warehouse ng asukal na ininsepeksyon ng mga tauhan ng Bureau of Customs noong nakaraang linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni Pablo Lobregat, may ari ng Crystal Sugar Milling Company, na hindi sila nag-ho-hoard ng sako-sakong mga asukal dahilan para magkaroon ng artifial shortage nito sa merkado.

Read More:  DOE open to proposal to remove VAT on electricity

Paliwanag nito, kahit na mukhang tone-toneladang suplay ng asukal ang nadiskubre sa kaniyang warehouse – mababa lang talaga at hindi maikokonsiderang hoarding.

Giit pa nito, mga raw sugar ito ay hindi para sa industrial use.

Read More:  Lawyers of EJK Victims hope change in Duterte’s legal team will not delay ICC proceedings

Naniniwala si Lobregat na tila mali raw ang impormasyong nakararating sa Palasyo.

Ginawa nito ang depensa sa gitna ng nagpapatuloy na kabi-kabilang mga operasyon ng Malacañang laban sa mga suspected hoarders ng asukal.
#