DepEd, iimbestigahan ang umano’y sexual harassment incident sa Bacoor City

PASINTABI, MASELANG BALITA: Tiniyak ng Department of Education na paiimbestigahan nito ang ‘di umano’y insidente ng sexual abuse sa isang high school sa Bacoor City, Cavite.

Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael poa na mayroon na itong anim na mga guro na iniimbestigahan dahil sa mga alegasyong hinaraass daw nito ang ilang estudyante sa Bacoor National High School.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Tiniyak ni Poa na nakikipag-coordinate na sila at inalerto kaagad ang School Division Office of Bacoor hinggil sa insidente.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Kahapon, araw ng Linggo nang nag-viral ang social media post kung saan ay ibinahagi ang karanasan ng estudyante.

Sa ngayon, sinabi ni Poa na nasa floating status na ang mga gurong sangkot sa insidente at hindi na muna binigyan ng teaching load.
#