Simula bukas, araw ng Martes ay ipatutupad na naman ang malakihang umento sa oil prices.
Matapos kasi ang serye ng mga rollback, at isang price hike – big-time na dagdag ang aasahan ng ating mga KaBrigadang motorista bukas.
Sa abiso ng mga oil companies, P6.10 ang itataas sa kada litro ng diesel.
P6.10 din ang umento sa kada litro ng kerosene; habang P1.40 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
Alas-sais bukas ng umaga ipatutupad ang adjustment sa Pilipinas Shell, SeaOil at PTT; habang alas-otso naman sa CleanFuel; at hatinggabi bukas sa Caltex Philippines.
#