Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga Pilipino na ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng maayos na desisyon at aksyon para sa kabutihan ng Pilipinas.
Ito ang naging mensahe ng simbahan sa gitna ng iringan sa pigitan ng mga politiko.
Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, mahalagang ipangalangin ang kaliwanagan ng puso at isip ng mga lider at mambabatas dahil anuman ang gagawing desisyon ng mga ito ay may direktang epekto sa buhay ng mga Pilipino.
Hinikayat din ng simbahan ang publiko na huwag magpadala sa isyu at dapat manaig pa rin ang kabutihan hindi lang sa bansa kunti para rin sa lahat.