Mataas na bilang ng covid-19 patients sa CVMC, naitala ngayong araw

Naitala ngayong araw ang mataas na bilang ng COVID-19 patients sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) matapos itong pumalo sa 274 kung saan ang 251 dito ay confirmed cases habang 23 naman ang suspected cases.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nagpapatuloy pa rin ang pagdagsa ng mga COVID-19 patients sa nasabing hospital dahilan upang makapagtala ito ng record breaking sa magkakasunod na araw.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Napag-alamang 235 na pasyente ang mula sa Cagayan kung saan 161 dito ay galing ng Tuguegarao City habang nasa 12 naman ang kasong galing sa Isabela, apat sa Kalinga at Apayao.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Magugunita na naglabas ang OCTA research group ng datos kung saan ang Cagayan ang may pinakamataas na health care utilization sa buong bansa matapos maitala ang 85% bed occupancy at 91% ICU utilization.