Makararanas ng mga respiratory symptoms kabilang na ang paghatsing dapat mag-isolate

SORSOGON CITY – Binigyang-diin ni City Health Office (CHO) head Dr. Rolando Dealca na sinumang indibidwal na makakaranas ng respiratory symptoms kasama na ng paghatsing ay dapat  na mag-isolate.

Pahayag ito ng opisyal, matapos na tukuyin ng mga eksperto ang paghatsing bilang isa sa mga manifestation ng COVID-19 Delta variant.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Paliwanag nito, dahil nasa pandemya kung kaya anumang sintomas na involve ang respiratory system ay dapat lamang irole-out bilang Covid-19 batay na rin sa guidelines ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH).

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Subalit nilinaw ng opisyal na kapag ang isang indibidwal ay bumabahing ay hindi naman nangangahulugan na siya ay positibo na sa nasabing sakit lalo pa nga at karaniwan naman ito sa mga mayroong allergy.

Payo ng opisyal makipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang ma-assess ang kanilang tunay na kalagayan.