Masusing imbestigasyon sa pagbaril-patay sa isang lalaki sa Barangay Kinudalan, mas binigyan diin pa ng PNP!

Gumugulong pa rin imbestigasyon sa isang lalaki makaraang pinagbabaril sa Barangay Kinudalan, Lebak Sultan Kudarat.

Ayon sa panayam ng BNFM-Lebak at sa impormasyon na binigay PLt Col William Facsoy Jr., Chief of police ng Lebak MPS, ayon sa kanya ang biktima ay namatay matapos tamaan ng maraming bala sa katawan.

Samantala, mas binigyang diin niya pa ang pag iimbestiga sa kaso, may nakikita narin silang lead kung sino ang mga suspek na possibleng may kinalaman sa kanyang dating trabaho.

Habang masusi naman ngayon ang gumugulong na imbestigasyon sa likod ng pamamaril kay Daryl Besana Pedrano.

May lead na rin ang kapulisan sa pamamaril kung saan hinihintay lang kung kelan maari na magbigay ng pahayag ang biktima.

Dagdag pa niya siya nanawagan sa lahat ng residente na makipag-tulungan para mas makamit ang mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *