P70k na halaga ng iligal na droga, nakumpiska dalawang katao

P70k na halaga ng iligal na droga, nakumpiska dalawang katao Arestado ang dalawang katao matapos masamsaman ng P70, 040 na halaga ng iligal na droga sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Tabuk City, Kalinga.

Unang naaresto ang 44-anyos na carwash boy matapos isilbi ng Tabuk City Police Station ang search warrang sa Barangay Bulanao na nagresulta ng pagkakumpiska ng anim na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 7.7

grams at nagkakahalaga ng P52, 360. Isang 53-anyos na magsasaka naman mula sa Barangay Bulanao Norte ang nakumpiskahan ng 24 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.6 grams at nagkakahalaga ng P17, 680.

Ang mga naaresto ay nasa kustodiya nan g Tabuk City Police Station at nahaharap sa kasok paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *