2 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Legazpi, kapwa nasa Naga City

BICOL—Nasa lungsod ng Naga ang dalawang panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Legazpi.

Ang dalawang ito ay naiulat ng Department of Health (DOH) Bicol na nagpositibo sa sakit kahapon.

Kapwa ito residente ng Washington Drive sa lungsod ng Legazpi, isang 68-anyos na lalaki at isang 63-anyos na babae at kasalukuyang naka admit sa NICC Hospital sa Naga City.

Hunyo 16 nang makaranas ng sintomas ang babaeng pasyente habang for verification naman ang lalaking pasyente.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, sa lungsod ng Naga nadetect at natest positive ang dalawa pero hindi pa tukoy kung saan ang mga ito na-expose sa COVID-19.

Mababatid na matapos ang sunod sunod na pagkakatala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod, ito na ang isa sa pinakamababang kasong naitala kumpara sa mga nagdaang araw.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *