Mas maraming maliliit na negosyante, target ng 14th Bishop Francisco Gainza Trade Fair ngayong taon

NAGA CITY – Mas maraming maliliit na negosyante ang tinatarget na papasukin at tatanggapin ng Department of Trade and Industry Camarines Sur katuwang ang Archdiocese of Caceres sa ika-14 na Bishop Francisco Gainza Trade Fair ngayong taon.

Napag-alaman kay Fr. Erwin Bismonte, Assistant Director ng Caritas Caceres na 120 mga exhibitor ang target nila ngayong taon, mas marami kumpara noong mga nakaraang taon na hindi umaabot at lumalampas sa 100. Sinabi naman ni Jay Ablan, DTI Camarines Sur Provincial Director na hindi lang mga agricultural at pasalubong products, religious items at mga pagkain ang ibibida ngayong taon kun’di maging ang creative industry na binubuo ng mga traditional at digital painting na galing sa iba’t ibang art group sa lungsod.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Maging si Archbishop of Caceres Most Rev. Rex Andrew Alarcon, D.D, nagagalak na nabibigyan na ng pansin at pagkakataon ang mga obra ng mga pintor na maipakita at maibenta ito sa pamamagitan ng trade fair.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Ilang exhibitors na rin na galing sa labas ng Bicol ang nakilahok noong mga nagdaang trade fair. Sa ngayon, marami na ang registered exhibitors at umabot  na ito sa 115. Sa dami ng mga kalahok, dalawang malalaking mall sa lungsod ang magiging venue ng nasabing trade fair at tatagal ito ng 12 araw simula Setyembre 12 hanggang Setyembre 23, 2024.