Konduktor ng bus, hinoldap

Hinoldap ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang konduktor ng bus sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Agosto 7.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pasakay na umano noon ang biktima sa pampasaherong bus nang tutukan ito ng baril ng suspek saka nagdeklara ng hold-up.

Natangay ng suspek ang nasa ₱19,000 na collection money ng biktima saka tumakas patungo sa Sariaya, Quezon.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. Inaaral na rin ang mga kuha ng CCTV upang makilala at madakip ang suspek.