Isang myembro ng rebeldeng grupo sa Camrines Sur, boluntaryong sumuko sa mga awtoridad

CAMARINES SUR – Nagagalak ngayon ang Philippine National Police sa Camarines Sur kasama ang Philippine Army matapos ang akomplisimyento ng boluntaryong pagsuko sa mga awtoridad nitong Agosto 6, 2024 ng isang myembro ng New People’s Army na kinilala sa pangalan na “Junior” sa Camarines Sur 2nd Provincial Mobile Force Company.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Ayon kay PCapt. Sheralyn Samonte tagapasalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, isa sa mga dahilan ng sumuko ay makasama ang kaniyang pamilya at kasabay ang nito binigyan ng paunag asistensya pinansya na 10,000 para sa pagsisimula ng bagong buhay, kasama sa isinuko nito ang armas na 9mm caliber pistol, 7 rolyo ng mga bala, magazine para rito at Improvise Explosive Device.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ito ng PNP para sa kaukulang disposisyon at matiyak ang siguridad ng laban dito.

Matatandaan na noong buwan ng Mayo at Hunyo may sumuko rin na rebelde magka live in upang magbalik loob sa panig ng gobyerno.