Isinusulong ni COVID-19 treatment czarang pagtayo ng mas maraming step-down care facilities, kung saan pwedeng ilipat ang mga recovering patients upang, madecongest ang mga ospital.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, hindi kasi lahat ng mga ospital ay mayroong step-down care facilities.
Dagdag ni Vega, kung ang mga pasyente na mayroong lang mild na sintomas ng COVID-19 ay maililipat sa temporary treatment and isolation facilities (TTMF), magkakaroon ng mas maraming space para sa mga pasyente na nangangailangan ng intensive care sa mga ospital.

Binigyang diin ng opisyal na 98 percent ng active cases sa bansa ay mild, asymptomatic at moderate.
Matatandaan na noong Marso, muling nagbukas ang gobyerno ng tatlong malalaking quarantine sites gaya ng Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium sa Manila at ang Quezon Institute sa Quezon City, bilang mga step-down care facilities para sa mga COVID-19 patients upang madecongest ang mga ospital. //MHEL PACIA-TRINIDAD