Mas maraming aplikante sa DepEd Naga, inaasahan sa susunod na academic year

NAGA CITY – Mas darami ang mga aplikante sa pagka guro sa mga paaralang pampubliko sa Naga City sa susunod na academic year  dahil sa mga bagong nakapasa sa Licensure Examination for Teachers ngayong taon.

Ito ang pagtingin ni DepEd Supt Dr. Manny de Guzman kasabay na rin ng kanyang pahayag na iyong mag dating aplikante ay nasa proseso pa rin ng evaluation.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa kanyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga, sinabi ni De Guzman na maganda itong oportunidad sa mga bagong LET passers dahil sa may pagkakataon na ang mga itong mag apply sa division.

Nilinaw niya na may mga proseso at requirements na kailangan na makompleto ng sinumang bagong aplikante batay na rin sa existing memorandum circular ng Department of Education sa pag hire ng mga regular teachers.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Anya’y maraming teachers ang kailangan ng lungsod ngayon lalo pa at magbubukas na sa susunod na taon ang ilang mga paaralang ipinatayo ng local na pamahalaan ng Naga City.