Salary increase ng mga guro, epektibo na ngayong buwan ng Setyembre

Kinumpirma na ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Analyn Sevilla na epektibo na ang salary increase alinsunod sa inilabas na Executive Order 64.

Nang matanong ni ACT Teachers party-list Representative France Castro sa budget hearing ng DepEd, sinabi ng DepEd official na nakapaglabas na ito ng memorandum para sa salary adjustment.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Dagdag pa niya, pinahihintulutan din sila ng Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang kanilang savings para sa pagpapatupad nito.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Samantala, maliban sa salary differential na matatangap – meron ding retroactive increase para sa buwan ng Enero hanggang Agosto.