Mas mahigpit na restriksyon sa Visayas at Mindanao, hindi pa kailangan – DOH

Nilinaw ng Department of Health na hindi pa nito nakikita ang pangangailangan na magpatupad ng mas istriktong measures sa Visayas at Mindanao kung saan ay nakikita ang unti-unting paglobo ng COVID-19 cases.

Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau chief Dr. Altethea De Guzman na mas tinitingnan nila ang kakayahan ng health care capacity sa mga nasabing rehiyon kaysa sa bilang ng mga naitatalang kaso.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Anya, kung kaya pa naman ng Mindanao at Visayas na mag-accomodate ng pasyente, ay hindi na muna nila kailangan maghigpit ng mga restriksyon.

Mababatid na pumalo na sa mahigit 1.1-million ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 na naitala sa buong bansa kabilang na ang 4,487 na bagong kaso.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Mula sa nasabing bilang, ay nasa mahigit 1-million ang recoveries, nasa 19,372 naman ang fatalities, habang nasa 52,291 ang mga aktibong kaso.

Samantala, inihayag naman ng DOH na target nito na mapababa ang daily average ng COVID-19 cases sa NCR sa 500 mula sa kasalukuyan na 1,070 cases at sa NCR plus areas sa 200 kada araw.