BOTOLAN-Binigyan ng Pamahalaang Bayan ng Botolan ng tig isang kulong-kulong ang bawat baranggay sa lugar at Task Force Mother Earth.
Ito ay bilang bahagi ng Task Force Mother Earth Program na naglalayong linisin ang kalat sa paligid sa pamamagitan ng pag-iikot sa buong baranggay para hakutin ang mga nagkalat na basura.
Ang pamimigay at pagbabasbas sa mga kulong-kulong ay isinagawa sa People Plaza noong nakaraan Lunes.
Ayon kay Anadine Manzinares ng Municipal Environment and Natural Resources Office, ekskulsibong gagamitn ang mga ipinamigay na sasakyan para lang sa mga proyekto ng baranggay para sa pangangalaga ng kalikasan.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: OneBotolan Magkamiha
