Naniniwala si 4Ps Party-list Representative JC Abalos na mas mainam pa rin ang cash grant bilang uri ng rice subsidy ng gobyerno sa mga benepisiyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Tugon ito ni Abalos sa panukala ng Department of Agriculture na sa halip na pera ay bigas na lang ang ipamahagi sa 4Ps beneficiaries.
Ayon kay Abalos, mas makabubuti na panatilihin ang cash grant dahil ito na ang nakasanayan ng mga benepisiyaryo at mayroon nang nakalatag na mekanismo.
Ipinaliwanag din ni Marikina City Representative Stella Quimbo na bilang ekonomista ay pinakamadaling paraan ang pamimigay ng pera sa pagpapaabot ng tulong.
Maganda naman aniya ang intensyon na gawing bigas ang subsidiya upang matiyak na hindi magagamit sa pagsusugal at iba pang maling gawain.
Ngunit maaari umanong magkaroon ng problema sa procurement ng bigas na mauuwi sa delay at mas lantad sa posibleng pagsasamantala.