Market Guards ng NCPM, nakabantay din sa mga street children at adults na natutulog at namamalimos sa lugar

NAGA CITY – Nakaantabay naman sa paligid ng Naga City Peoples Mall ang mga market guards para sitahin ang mga batang namamalimos pati na rin ang mga adult na natutulog sa pasilyo at hagdanan.

Ang mga pasaway ay agad na hinuhuli at dinadala sa naka duty personahe ng PubLic Safety Office at pulis na siya namang nakikipag-ugnayan sa City Social Welfare ang Development Office,na ayon kay Annabelle Vargas ang department head, regular itong ginagawa para mabawasan ang mga namamalimos sa paligid ng merkado.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver
Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Sinabi sa Brigada News Fm Naga ni Vargas na dapat wala silang makitang batang namamalimos sa NCPM lalo na ngayon na pasukan na dapat ang mga ito ay nasa paaralan,wala sa lansangan at namamalimos na puwedeng maaksidente,maging biktima ng krimen at masangkot sa kaguluhan.