VP Sara – tinawag na ‘political harassment’ ang ginawang pagtatanggal ng kaniyang security detail

Naglabas ng open letter si Vice President Sara Duterte hinggil sa umano’y mga pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil tungkol sa pagbabawas ng kanyang security detail.

Sa mahabang liham ng bise presidente, sinabi nitong hindi niya maatim ang tuloy-tuloy na panlilinlang na binibitawan ni Marbil.

Isa na aniya rito ay ang request ng kapulisan sa Office of the Vice President (OVP) para sa posibleng pag-pull out ng 75 personnel dahil kailangan ng PNP ng mga tauhan sa National Capital Region.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ayon kay VP Sara, walang request na nangyari.

Sinabi rin daw ni Marbil na wala silang nakikitang banta sa buhay ng bise presidente kaya binawasan na ang security nito.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Duterte ang lumabas na video sa NAIA kung saan kasama niya ang kanyang pamilya na pawang kuha lang ngh mga empleyado ng paliparan.

Aniya – hindi ba matatawag na “threat” ang mga ito?

Sa huli, tinawag ni VP Sara ang ginagawa ni Marbil bilang malinaw na kaso ng ‘political harassment.’