Naghain na ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General (OSG) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ang quo warranto case ay isang special civil action laban sa isang taong nag-a-usurp, nag-i-intrude, o unlawfully na naghahawak ng public office nang walang authority to act.
Exclusive power ng OSG na alisin ang isang public official sa ‘unlawfully’ na nangangasiwa ng posisyon dahil sila ay unqualified o ineligible para sa pwesto.
Bago ito, una nang sinabi ng Office of the Solicitor General na tinitingnan nila ang paghahain ng naturang petisyon laban sa alkalde bago matapos ang buwan.
Mababatid na patuloy na kinekwestyon ang pagkatao ni Guo, partikular na ang kanyang citizenship matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na siya at ang Chinese national na si Guo Hua Ping ang pumasok sa bansa noong January 2003.