Sandara Park, may nakakatawang tugon sa ‘lumipad’ niyang sapatos sa Coachella

Nanging usap-usapan lalo na ng mga fans ang muling pagsasama-sama ng South Korean girl group na 2NE1 sa Coachella Valley Music and Arts Festival stage sa Estados Unidos.

Pero maliban sa kanilang reunion, lumikha din ng ingay sa netizens ang “lumipad” na sapatos ni Sandara Park, na isa sa miyembro ng grupo, habang nagpi-perform.

Read More:  Pinoy content creators recognized at Inaugural TikTok Awards

Sa nakakatawang post ni Park sa social media, sinabi nitong wala nang dapat alalahanin dahil naibalik na ang kapares ng tumalsik niyang sapatos.

Kaugnay nito, sinagot rin niya ang tanong kung bakit “lumipad” ang kanyang sapatos.

Read More:  Cianne Dominguez faces backlash from Jeo Ong’s fans over remark on PBB livestream

Pabirong tugon nito, wala siyang ideya kung bakit nangyari umano yun, dahil hindi naman umano lumipad ang sapatos noong rehearsals, pero palagay umano niya, iba talaga ang kanyang energy level sa actual show.

Mababatid na halos anim na taon nang naghiwalay ang grupo. //MHEL PACIA-TRINIDAD