BSP’s Diokno, ikinokonsidera ang pagmungkahi ng karagdagang buwis

Target ni outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na imungkahi ang pagpapatupad ng karagdagang buwis, at sinabing una muna niyang tututukan ang debt sustainability sa oras na pumasok bilang Finance Secretary sa Bongbong Marcos administration.

Tinutukoy ni Diokno ang fiscal consolidation plan na iminungkahi ng DOF, at iginiit na kailangang makalikom ang incoming administrations ng P249 billion na karagdagang annual revenues sa susunod na 10 taon para mabayaran ang makasaysayang P3.2 trillion na karagdagang utang dahil sa COVID-19 pandemic.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Mababatid na lomobo pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa record-high na P12.68 trillion as of end-March, dahil sa patuloy na paglo-loan para mapalakas ang laban kontra sa COVID-19 pandemic.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Samantala, bilang susunod na Finance secretary, sinabi ni Diokno na gusto niya ipanatili ang karamihan sa mga undersecretaries at si National Treasurer Rosalia “Lea” De Leon.