Minsan mo na bang naramdaman na mistulang wala nang pakialam sa iyo ang iyong kapamilya at mga kaibigan?
Isang Tiktoker kasi kamakailan ang pineke ang kaniyang kamatayan upang malaman ang halaga at kung sino ang mga tunay na nagmamahal sa kaniya.
Kinilala ang Tiktoker na si David Baerten o mas kilala sa Tiktok bilang si Ragnar le Fou kung saan nakasabwat niya ang kaniyang asawa at anak sa prank na ito at sila rin umano ang mismong nagpakalat sa social media patungkol sa pekeng pagkamatay nito.
Dinaluhan nga ang nasabing pekeng libing ng mahigit sa isang dosena katao at habang nagluluksa ang mga tao ay lumpag ang isang helicopter na talagang ikinagulat ng mga ito dahil nakita nila ang inakala nilang patay na.
Binati pa umano ito ni Baertan ng katagang ‘Welcome to my Funeral” kung saan mangiba-ibang reaksiyon ang natanggap niya.
Binigyang ding linaw ni Baertan na isinagawa niya umano ang prank na ito hindi para mapagkitaan ang content, kun’di para magsilbing mensahe at mapagtanto ng iba na huwag na umano antayin pa na may mamatay para makaisa at magmahalan ang isang pamilya.|WENCY LISAY