BICOL – MAAARING matanggalan ng lisensya ang mga lending at financing companies na nagsasagawa ng hindi makatarungan at patas na paniningil ng utang ayon mismo sa Securities and Exchange Commission Bicol.
Ayon kay SEC-Bicol OIC Director Atty. Norma Tan-Olaya, may iba pang mga regulasyon na inisyu ang komisyon na sumasaklaw sa mga nagpapautang at nagbabawal sa aniya’y unfair debt collection practices.
Dagdag pa nito, ang pangha-harass, pananakot, pamamahiya, paggamit ng dahas at iba pang hindi makatarungang paraan ng paniningil sa borrowers ay mahigpit na ipinagbabawal.
Pagbibigay-diin ng opisyal, ang tamang paraan ng debt collection kung sakaling ayaw talaga may bayad ng may utang ay idaan ito sa legal na paraan tulad ng ng pagsasampa ng kaso sa korte.
Habang dapat din umanong alam ng borrower ang kanyang karapatan at responsibilidad, gayundin malinaw na nauunawaan ang nilalaman ng mga terms and conditions.
Pagpupunto ng opisyal, utang ay kontrata ay kailangang bayaran alinsunod sa pinirmahang kasunduan.
Upang maiwasan umanong umabot sa ganitong punto ay dapat alamin muna ng uutang ang kanyang kapasidad na makapagbayad at dapat na iwasan ang pagkakaron ng multiple loans.
Samantala, hinikayat din nito ang mga borrowers at mga may planong mangutang na makipag ugnayan sa kanilang tanggapan upang ma-check kung ang lending company na pinagkakautangan o papasahan ng loan application ay otorisado at SEC-registered.