Mahigit 4k residente sa lungsod ng Legazpi nakikinabang na sa bagong gawang water facility

BICOL—Mahigit 4000 mga residente sa lungsod ng Legazpi ang nakikinabang na ngayon sa bagong pagawang water facility na proyekto ng local na pamahalaan.

Hulyo 28 ngayong taon nang pormal na maiturn over sa Barangay Banquerohan ang P10 million na halaga ng solar-powered water system na kayang magsuplay ng 300 liters per minute ng tubig na maaaring inumin. Sapat ito para sa konsumo ng nasa 4000 mga mamamayan sa lugar.

Maliban dito, karagdagang 3000 pang mga mamamayan ang inaaasahang makikinabang na rin sa mga katulad pang mga water facilities sa iba pang mga barangay sa lungsod.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kabilang dito ang nasa Barangay Taysan kung saan 822 na pamilya ang makikinabang, ang kaparehong proyekto sa Sitio Anonang sa Barangay Homapon kung saan nasa 300 households ang mabebenipsyuhan at ang kagaya pang proyekto na nasa Barangay Imalnod at Barangay Maslog.

Mayroon ding mga kapareho pang proyekto sa Sitio Cawalog, barangay Bariis kung saan nasa 600 households ang makikinabang, sa Barangay Lamba na magsusuplay din ng tubig sa nasa 300 pamilya at sa Barangay Bañadero kung saan 380 residente ang mabebenepisyuhan.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, ang naturang proyekto ay bahagi ng social services ng city government para mabigyan ng sapat na suplay ng tubig inumin ang mga mamamayan nito.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nabatid na nasa P20 million ang inaprubahang pondo ng Sangguniang Panlungsod sa mga proyektong patubig at karagdagang P15 million naman para sa basic services kabilang ang tubig, pagsasaayos ng mga kalsada at iba pang development projects.

Ayon sa alkalde, ang lahat ng mga proyektong patubig na ito ay inaasahang magagamit bago matapos ang taon.

Karamihan sa mga barangay na pinagawan nito ay ang mga lugar na hindi na inaabot ng serbisyon ng Legazpi City Water District (LCWD).### || slm