BFP Bicol naka heightened alert na sa paggunita ng Undas

BICOL—Nakaantabay na ang lahat ng unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol para sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Inihayag ni Fire Inspector Aramis Balde, tagapagsalita ng ahensya na sinisimulan na nila ang “Oplan Kaluluwa” kung saan naka code red o naka heightened na ang kanilang mga personahe at maging ang kanilang mga kagamitan gaya ng firetrucks.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Patuloy ang monitoring sa mga sementeryo, memorial parks at kolumnbaryo upang matiyak ang kaligtasan laban sa sunog at iba pang mga hindi inaasahang insidente.

Handa rin ang kanilang emergency at medical teams sa pagresponde at pagbibigay asistensya medical sa sinumang mangangailangan nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Inabisuhan naman ng opisyal ang publiko na huwag iiwan ang mga kandilang may sindi o anumang ilawan na maaaring magdulot ng sunog lalo na kung aalis ng bahay.

Nagsasagawa na rin ang kanilang mga personahe ng pag inspeksyon sa mga wiring sa ilang mga gusali upang matiyak na hindi ito magdudulot ng sunog.### ||slm