MANIBELA president Valbuena – handa sa legal na aksyon ng radio reporter na ‘di umano’y sinuntok ng kanilang miyembro

Mariing itinanggi ng grupong MANIBELA ang alegasyon hinggil sa panununtok umano ng kanilang miyembro sa reporter na si Val Gonzales.

Minura raw kasi ng mamamahayag ang miyembro ng naturang transport group, at naglalabas din ito ng personal na opinyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, sinabi nitong handa naman sila sa legal na aksyon na ibabato laban sa kanila.

Giit ni Valbuena, minsan ay may mga anchors na nagbibitaw ng masasakit na salita sa kanilang hanay.

Ito aniya ang dahilan kung bakit natatawag na ‘bias’ ng kanilang miyembro ang ilang tauhan sa media.

Samantala, sinabi rin ng lider na dinidisiplina niya ang kanilang grupo.

Inabisuhan din umano nito ang kanilang hanay na huwag idamay ang ibang tao, partikular na ang mga taga-media na kanilang nirerespeto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *