Tatlong lalaki, huli sa iligal na pangingisda sa Calauag, Quezon

Huli ang tatlong lalaki matapos ang ikinasang seaborne patrol operation ng mga awtoridad sa Barangay Pinagsakayan, Calauag, Quezon nitong Linggo, Hunyo 9.

Gamit ang nirentahang bangka, naharang ng mga awtoridad ang grupo na iligal na nangingisda sa katubigan na sakop ng nasabing barangay.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nakumpiska sa mga naaresto ang isang bangka na nasa ₱200,000 ang halaga, fishing paraphernalia na nagkakahalagang ₱150,000 at mga nahuling isda na nagkakahalagang ₱3,500.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, ikinustodiya ng mga awtoridad ang mga nadakip para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.