Mangingisdang naiulat na nawawala sa Pio Duran, Albay, nakabalik na

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Pio Duran, Albay na nakabalik na ang isang mangingisda mula sa Brgy. Buenavista matapos itong maiulat na nawawala sa kasagsagan ng masamang panahon dahil sa Bagyong Aghon.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ayon sa MDRRMO, pumalaot ang mangingisda sa kabila ng kanilang abiso, at nasiraan ng makina sa gitna ng dagat na nagresulta sa hindi agad nito pagbalik sa kanila.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Patuloy naman ang imbestigasyon ukol sa insidente, kung saan dalawa umano ang tinitingnang dahilan: maaaring lumabag ang mangingisda sa kanilang abiso o kaya’y hindi ito naabisuhan tungkol sa banta ng nasabing bagyo.