Umabot na sa 136 thousand 161 cases ng Dengue ang naitatala ng Department of Health sa buong bansa.
Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DOH Asec. Albert Domingo na ang naitalang datos ay mula January 01, 2024 hanggang nitong August 03.
33% percent itong mas mataas kumpara sa kaso nito noong nakalipas na taon sa kaparehong period na nasa 102 thousand 374.
Gayunpaman, naobserbahan ng DOH na mas mababa ang bilang ng mga nasawi ngayong taon dahil sa dengue.
Ayon kay Domingo, nasa 364 ang naitala nilang namatay, kumpara sa 401 noong 2023 sa kaparehong period.
Nakikitang rason dito ng DOH ay dahil mas maaga nang nagpapa konsulta ang publiko kaya naagapan ang sakit.