Mandaluyong Court, ibinaba sa frustrated homicide ang kaso vs Jose Antonio Sanvicente

Sinampahan na ng kasong frustrated homicide si Jose Antonio Sanvicente, ang drayber sa viral na hit-and-run incident kung saan sinagasaan ang mall security guard na si Christian Floralde.

Ayon sa Mandaluyong Prosecutor’s office, nakitaan ng ‘intent to kill’ si Sanvicente dahil imbis na huminto ito ay ginulungan pa ang security guard.

Di-nowngrade ng prosecutor ang kaso mula sa frustrated murder charges laban kay Sanvicente.

Paliwanag sa resolution, hindi sapat ang qualifying circumstances para ma-categorize bilang murder ang reklamo.

Dinismiss din ang abandonment of persons in danger and one’s victim complaint dahil sa kakulangan ng probable cause.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *