Substitute Bill para sa pagpapaliban ng barangay at SK polls, aprub

Lumusot na sa House Commitee on Suffrage and Electoral Reforms ang substitute bill para sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sana ngayong Disyembre.

Ito ay sa gitna ng panawagan ng Commission on Elections na madaliin na ang desisyon ng Kongreso sa kadahilanang maguumpisa na ang pag-iimprenta nila ng mga balota.

Sa botong 11 YES to 0 NOs, lumusot sa Kumite ang panukala na layong iusog ang BSKE polls sa unang Lunes ng December 2023.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ayon sa chairperson ng Kumite na si Mountain Province Rep. Maximo Dalog, aabot sa tatlompung mga House Bills ang ci-nonsolidate para rito.

Nakatakda namang isumite ang naturang substitute bill sa House Commitee on Appropriations.

Matatandaang sa unang meeting ng Kumite, ang dalawang mga bumoto para tutulan ang postponement ay sina ACT Teachers party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sa 2nd meeting ngayong araw, sinabi ni Dalog na nagsumite na ng dissenting opinion si Manuel para rito.

Sa ilalim ng mga pending bills sa Kamara, ang dahilan ng mga mambabatas para ipagpaliban ang halalan ay para makatipid ang Gobyerno – sa kabila nito, sa pagdinig ng Senado kamakalawa ay sinabi ni COMELEC chairperson George Garcia na mapapagastos pa pala ng higit sa P18.5Billion ang Gobyerno sakali mang matuluyang ma-postpone ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
#