Isang miyembro ng Alcanzo gun for hire group at pinaniniwalaang miyembro ng communist terrorist group, arestado sa bayan ng Santa Elena

CAMARINES NORTE- Isang lalaki na may kasong Murder at paglabag sa RA 10591 na miyembro ng Alcanzo Gun for Hire Group at pinaniniwalaang miyembro rin ng Communist Terrorist Group ang napasakamay ng pinagisang puwersa ng mga totoridad sa pamamagitan ng operasyong COPLAN “BULING” dakong 3:00 ng hapon nitong Enero 16, 2022 sa Purok 7, Brgy. Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si alyas GERRY, 38 anyosat residente ng Purok 2, Brgy. Manlucugan, Vinzons, Camarines Norte at itinuturing na ikatlo sa municipal most wanted person sa bayan ng Paracale, Camarines Norte

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Si GERRY ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong MURDER at walang rekomendadong piyansa at paglabag sa RA 10591 (“Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”) at may piyansang Dalawang Daang Libong Piso (Php200,00.00).

Ang mga nasabing warrant of arrests ay parehong ipinalabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte na may mga petsang Marso 30 at Abril 16, 2021.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa ulat, ang akusado ang suspek sa pamamaril sa isang 63-anyos na babaeng negosyante na nagresulta sa pagkamatay nito noong Pebrero taong 2021 na naganap sa Brgy. Batobalani, Paracale, Camarines Norte. Ito rin ay nagtago sa bayan ng Sta. Elena para takasan ang kaniyang kasalanang ginawa.

Ang nasabing personahe ay nasa kustodiya na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.