Pumabor ang ilang mga mambabatas na hindi na dapat pang patawan ng buwis ang honoraria o allowance na ipinagkakaloob sa mga gurong magta-trabaho bilang mga election boards at magmamando sa mga polling precints.
Ito ay sa kabila ng pagtutol ng Finance Department at sinabing baka mas marami pang mga sektor ang humirit ng tax exemption sa ibang mga serbisyo.
Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, ipinunto ni Senador Win Gatchalian na hindi na dapat pang bawasan pa ang kakarampot na ibinibigay na allowance sa mga guro.
Giit ng Senador, sukli na lamang daw ito sa serbisyo at sakripisyo nila.

Sinegundahan din ito ng chairperson ng kumite na si Senadora Pia Cayetano dahil ‘extrang’ trabaho na lang nga raw ito sa mga teachers.
Dahil dito, dapat daw na ituring bilang benepisyo ang honoraria at hindi na dapat pa bawasan ng buwis.
#