JTF Basilan, pinaigting ang seguridad sa 12 areas under Comelec control

Inatasan ni Western Mindanao Command o WestMinCom commander Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr. ang mga tropa sa Basilan Province na paghandaan na ang ‘worst-case scenario’ sa araw ng halalan.

Ayon kay WestMinCom spokesperson Maj. Andrew Linao, ito ang resulta ng kanilang pagpupulong kasama ang JTF Basilan para talakayin ang kahandaan ng kanilang mga tropa sa eleksyon.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ito ay makaraang ideklara ang ilang mga lugar sa kanilang area of responsibility na ‘Comelec under control’.

Sa ilalim ng mga lugar na ito, mayroong posibilidad ng panggugulo mula sa mga armadong grupo, o ‘di kaya nama’y mga supporters ng mga kumakandidato.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa pahayag ng WestMinCom, all-set na ang kanilang preperasyon pagdating sa seguridad kaya naman hindi na magtatagumpay ang sino mang nagbabalak na manggulo sa araw ng eleksyon.

Pinaalalahanan din nito ang mga tropa ng task force na manatiling non-partisan sa lahat ng oras.
#