Nag-isyu ng resolusyon ang Commission on Elections sa mga local government units para panatiliin nitong bukas ang mga day care centers sa araw ng halalan.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10780, pinabubuksan ang mga day care sa iba’t ibang lugar sa bansa nang sa gayon ay mayroong mapagiiwanan ang mga anak ng mga botante.
Sa ganitong paraan umano, makaboboto pa rin ang mga magulang na may mga maliliit na anak dahil iiwan ang mga bata sa pangangalaga ng day care.

Giit sa resolusyon, mandato ng gobyerno na masigurong mae-exercise ng mga botante ang kanilang karapatan sa pagboto.
Pinasusuguro naman ng Comelec sa mga LGUs na panatiliin pa rin ang pagsunod sa minimum health standards sa mga day care centers.
Kabilang na rito ang pagtitiyak na sanitized ang mga pasilidad, may temperature checking, at pagpapanatili ng social distancing.
#