Mambabatas, kampanteng magtatagumpay ang Sogie bill sa kabila

Naniniwala si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman na ipapasa ng Kongreso ang sexual orientation, gender identity and expression (Sogie) bill, na mahigit dalawang dekada nang nakatengga.

Kaugnay nito, kampante si Roman, ang kauna-unahang transwoman representative ng bansa, na ang Sogie Equality bill ay makakakuha ng suporta mula sa Senado at Kamara.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Binanggit ng mambabatas ang 19 sa 24 na mga senador na nagpahayag ng kanilang suporta para sa Sogie Equality bill, maging ang commitment ng liderato ng Senado na umabanse ang panukalang batas sa Mataas na Kapulungan.

Ayon pa dito, maraming mambabatas ang kinikilala ang diskriminasyon sa LGBTQI+ community na kinahaharap sa kanilang araw araw na buhay.

Read More:  Senate court allows NBI agent to testify in VP Duterte impeachment trial

Matatandaan na binara ni Cibac Party Rep. Eduardo “Eddie” Villanueva–founder ng Jesus is Lord movement ang pagdinig ng House committee on women and gender equality kaugnay sa walong Sogie Equality bills noong Miyerkules, dahil umano sa pagiging ilegal nito at malinaw na uri ng forum shopping.