Mall Voting Simulation sa ilang malls sa Metro Manila at Cebu sinimulan na ng COMELEC para sa BSKE ngayong Oktubre

Sinimulan na ngayong araw ng Commission on Election (COMELEC) ang mall voting simulation sa ilang malls sa Metro Manila at Cebu City para sa nalalapit na Barangay at SK Elections sa darating na October 30.

Kanina, nagsagawa ng inspeksyon si COMELEC chairman George Erwin Garcia sa isang mall sa Maynila kung saan ginaganap ang voting process na nagsimula kaninang alas-7 ng umaga.

Apat na malls ang venue – dalawa sa mga ito ay nasa National Capital Region habang tig-isa naman sa Cebu City at Legazpi City.

Ayon kay Garcia, layunin ng simulation na makita ang proseso upang matugunan ang anumang magiging problema sa pagpapatupad nito.

Naniniwala rin ang poll body na makatutulong ang mall voting para sa mas malawakang pagboto ng mga nasa vulnerable sectors tulad ng mga buntis, matatanda, at may kapansanan.

Samantala, nakabantay din sa voting simulation ang Legal Network For Truthful Elections o LENTE.

Layon ng grupo na makabuo ng komprehensibong report at analysis ng ginaganap na simulation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *