BNFM BICOL—Nagpapatuloy ang malawakang pagsasagawa ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes.
Kahapon araw ng Lunes, pinangunahan ng PHO vaccination team at ng EBMC CoVax Team ang vaccination roll out sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng San Andres partikular ang mga barangay ng Palawig, Asgad at barangay Rizal.
Kaugnay nito, batay naman sa pinaka latest na National Vaccination Day monitoring ng Department of Health-Bicol, umabot na sa kabuuang 42,715 individuals ang nabakunahan kontra COVID-19 sa isinagawang tatlong araw na “Bayanihan Bakunahan.”
Ayon sa tally ng ahensya, ang Catanduanes ang may pinakamataas na porsyento ng mga nabakunahan sa buong Bicol kung saan umabot sa 96% mula sa 100% na target ang nabakunahan sa isla.
Pumapangalawa naman ang lalawigan ng Camarines Sur na may 67% o katumbas ng 256,158 individuals.
Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng PHO sa bawat Catandunganon na makiisa sa nagpapatuloy na pagbabakuna sa probinsya lalo na ngayon at unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa probinsya.###