Malasakit Center sa Cabusao Camarines Sur, pormal nang binuksan

NAGA CITY- Pormal nang binuksan ang Malasakit Center sa Cabusao Camarines Sur  ngunit noong Marso pa lamang ay operational na ito o napapakinabangan na ng mga residente.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)  Camarines Sur Provincial Manager Jobet Ramos, sinabing ito na ang ika-123 na Malasakit Center sa bansa na matatagpuan sa Bicol General Hospital and Geriatric Medical Center.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Mababatid ang naturang pasilidad ay isa sa mga proyekto ng pamahalaan kung saan pinag-isa ang mga tanggapan ng gobyernong malalapitan ng mga may kailangang tulong para sa hospitalization tulad ng PhilHealth, Department of Social Welfare and Development Office at iba pa.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Katulong din ang PCSO para sa hospital bills.