CAMARINES NORTE- Muli na namang nadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte na kung saan naitala ang panibagong 26 na kaso sa ipinalabas na ulat ng DOH Bicol kahapon
Ang mga positibong indibidwal ay residente mula sa bayan ng Daet na mayroong 17 , 4 sa Bayan ng Labo, Tig-da-dalawang kaso ang nagmula sa bayan ng Talisay at Vinzons habang may isa naman sa Capalonga
Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay may kabuuang bilang na 958 at mula sa naturang bilang na ito 339 ang aktibong kaso .
Samantala may 33 ang naitalang nakarekober sa sakit kung kaya ito ay may kabuuang bilang na 586 habang nananatili sa 32 ang bilang ng nasawi

