Malalimang imbestigasyon sa tatlong bangkay kabilang ang 2 Australian national na natagpuan sa isang Hotel sa Tagaytay City – ipinag-utos na

Ipinag-utos na ni Cavite Police Provincial Office Dircetor Col. Eleuterio Ricardio Jr. sa Tagyatay Component City Police Station ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon para maaresto ang nasa likod ng pagpatay sa dalawang Australian nationals at isang Pinay sa isang hotel sa Tagaytay City.

Sinabi ni Col. Ricardo na itinawag sa kanila ito 1:35 kahapon ng hapon.

Nakagapos ang mga kamay at paa ng mga biktima gamit ang electrical cord at sintas ng matagpuan sila ng staff ng hotel.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Umakyat ang staff sa kwarto ng guest para sabihan sila sa check out pero pagbukas ng pinto tumabad ang bangkay ng mga biktima.

Kabilang aniya sa mga natagpuang patay ang australianong lalaki at asawa nitong pinay na isa na ring australian citizen at isa pang Pinay.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sinabi ni Col. Ricardo na hinihintay pa nila ang final report mg SOCO upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng tatlo.

Ini-activate na rin ang Tracker team ng pulisya at binigyan-direktiba ang lahat ng Police Communitu Precincts na magsagawa ng dragnet operations sa lahat ng posibleng exit points sa tagaytay city,

Nakikipag ugnayan na rin aniya ang mga otoridad sa australian embassy kaugnay sa pangyayari.