Pagpapatayo ng Child Protection Policy at Child-minding Center sa Koronadal, isinusulong

KORONADAL CITY – ISINUSULONG ng City Social Worker and Development Office o CSDWO ang pagpapatayo ng Child Protection Policy at Child-minding Center sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang inihayag ni Aynudin S. Marohom, Child protection specialist at Social Worker Officer III ng CSWDO.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon kay Marohom, nasumite na ng kanilang opisina sa pangunguna ni City Social Worker and Development Officer Jennifer Magbanua sa Sangguniang Panlungsod ang naturang proposal.

Ang Child Protection Policy ay magiging batayan ng mga pampubliko at pribadong sektor sa karapatan ng mga kabataan gayundin ang mga penalidad sa sino mang mga lalabag dito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Isinusulong din ng CSWDO ang paglalagay ng isang Child-Minding Center sa City Hall para sa mga toddlers, anak ng empleyado ng gobyerno o isang pribadong indibidwal.