Malalimang imbestigasyon hinggil sa talamak na large scale paluwagan scam sa Cagayan, ipinag-utos

𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗞 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗚𝗘 𝗦𝗖𝗔𝗟𝗘 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗖𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗧𝗢𝗦 Ipinag-utos na ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa talamak ngayong malawakang paluwagan scam sa probinsya ng Cagayan kung saan umabot na sa 158 na indibidwal ang bilang ng mga nabiktima.

Sa isinagawang pagpupulong ay pinangalanan ng Cagayan Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Julio Gorospe Jr. ang mga pulis na sangkot sa nasabing panloloko kung saan kabilang sa binanggit sina PCMS Isabell Articulo na kinasuhan ng Grave Misconduct, PCMS Pressy Articulo, PCPL Marry Jane Atal at isa pang non-uniformed personnel.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Binigyang-diin ni PCOL Gorospe na hindi nito kukunsintihin ang mga natukoy na PNP member na mapapatunayang sangkot sa nasabing scam.

Hinimok naman ng opisyal ang publiko na maging mapanuri sa pinapasukang investment lalo’t hindi aniya biro ang halaga ng pinapasok na pera ng mga nabibiktima.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Modus sa naturang scam ang pagpapatong ng halos kalahating porsiyento na interes sa inihulog na pera o tinatawag na easy money.

Isang Ponzi scheme umano ang nagaganap ngayon sa probinsya ng Cagayan dahil ayon sa Provincial Prosecutor’s Office ay matatawag na itong large scale scam dahil sa bilang ng mga biktima at sangkot na mga indibidwal.

Enter

You sent

Open photo