GCash – tiniyak na ligtas ang pera ng mga customers matapos ang napaulat na data breach

Siniguro ng pamunuan ng GCash na ligtas pa rin ang data at pera ng kanilang mga users.

Kasunod ito ng napaulat na data breach sa kanilang sistema.

Sa isang pahayag, sinabi ng GCash na prayoridad pa rin umano nila ang tiwala at kaligtasan ng kanilang mga users.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa ngayon, tuluy-tuloy na rin ang imbestigasyon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa naturang insidente.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Matatandaaang sa isang ulat ng tech group – na-kompromiso ‘di umano ang nasa 100 gigabytes ng data ng GCash.

Kasama na rito ang mga mobile numbers, mga lagda, selfies, at iba pang ginagamit sa KYC, ‘o ‘yung ‘know your customer’ process.