Malaking ilog ng Barangay Maasin Brooke’s Point, kulay putik na ngayon

Dismayado at nanghihinayang ang mga residente na nakatira malapit sa ilog ng Barangay Maasin sa bayan ng Brooke’s Point, Palawan.

Ang dati kasing maganda at mala- kristal na tubig na umaagos sa ilog ay kulay putik na ngayon.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay suspended Brooke’s Point Mayor Mary Jean Feliciano, sa ngayon ay wala pang aktuwal na pagbubungkal sa kabundukan ng Maasin.

Diretsahang inihayag ng alkalde na gumagawa ngayon ng kalsada o daanan ang isang kompanya ng mina na unang nabigyan ng mayor’s permit.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang naturang ilog din ang pinagkukunan umano ng buhangin o graba ng mga truck ng minahan na inilalagay sa kalsada.

Dahil dito,  nagrereklamo ang mga residente na dati ay nakikinabang sa magandang ilog at bukal sa paligid nito kaya ang hiling nila ay matigil na ang dahilan ng paglabo ng ilog.