Higit 100 hog raisers sa Cauayan City, benepisaryo ng repopulation program ng DA

Nasa 30 na hog raisers sa lunsod ng Cauayan ang inisyal na bilang ng mga makakatanggap ng sentinel pigs sa ilalim ng repopulation program ng Department of Agriculture Region 2.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Ronald Daluidao, City Veterinary Officer, sinabi niya na ang naturang bilang ay inisyal pa lamang para sa unang stage ng repopulation program kung saan ilan sa mga ito ay mula sa West Tabacal Region, Poblacion at Tanap Region.

Kahapon sana aniya ay maipapamahagi na ang mga biik subalit dahil kulang ang dumating na sentinels para sa Cauayan City at bayan ng Luna na may tig-30 ay ibinigay na lamang ito sa bayan ng Gamu.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Inaasahan umanong maipagkakaloob din ang mga sentinel pigs sa lunsod ngayong linggo habang nauna nang naibigay sa mga recipients ang feeds.

Aniya, nasa kabuoang 115 farmers ang inilaan ng DA sa lunsod kung saan ang mga ito ay ang mga hog raisers noon na hindi naabutan ng culling ang kanilang mga alagang baboy.

Paliwanag ni Dr. Dalauidao, kapag naibigay na ang mga sentinel pigs o testing pigs ay oobserbahan ito sa loob ng 45 days pagkatapos ay kukunan ng samples upang isailalim sa eksaminasyon upang malaman kung negatibo sa ASF.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kung hindi aniya tinamaan ng ASF ang mga ito ay dadagdagan ng dalawa pa kalakip ang mga pakain.

Sa pamamagitan nito ay inaasahang muling manunumbalik aniya ang sigla ng hog industry sa lunsod at makarekober mula sa epekto ng ASF.

Paalala naman ni Dr. Dalauidao na kailangang masunod ng mga farmers ang mga biosecurity measures sa tamang pag-aalalga ng baboy para maiwasang madapuan ng naturang virus ang mga alagang baboy.